NAGA CITY- Sa kulungan ang bagsak ng isang umano’y miembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) dahil sa umano’y pangungutong sa isang construction site na R.T Crisman Heavy Equipment Construction Company (RCE Construction Inc.) sa Pantalan Barangay Daungan, Mauban Quezon.

Kinilala ang suspek na si Ka Alex o Alejandro Calvendra Jamilano, 58-anyos, miembro umano ng rebledeng grupo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na kinikikilan ng suspek ang tanggapan ng nasabing construction site at tinakot na susunugin ang mga heavy equipment kung hindi magbibigay.

Kaugnay nito, agad naman rumesponde ang kapulisan kung saan nahuli ang naturang suspek.

Sa ngayon, hinahanda na ang kasong Attempted Extortion and Grave threat laban sa nasabing suspek.