Nagkasundo ayon sa pahayag ni Pakistani Prime Minister Shehbaz Sharif nitong Lunes, umano ang Estados Unidos at Iran na tapusin ang kanilang digmaan.
Aniya, nakatakdang ganapin sa Switzerland sa Biyernes ang opisyal na seremonya ng paglagda sa kasunduan.
Kinumpirma rin ito ni US President Donald Trump sa kanyang social media post, kung saan sinabi niyang ganap na ang napagkasunduang deal sa Islamic Republic of Iran.
Nabuo ang kasunduan sa kabila ng airstrike ng Israel sa Lebanon noong Linggo, na umani ng matinding kritisismo mula sa Iran at maging mula kay Trump.
Ayon pa kay Trump, bubuksan na ang Strait of Hormuz nang walang singil at tatapusin na rin ang naval blockade ng Estados Unidos.
Dagdag niya, inaasahang muling dadaloy nang normal ang suplay ng langis sa pandaigdigang merkado.













