NAGA CITY- Nagpaabot ng pasasalamat si Vice President Leni Robredo sa mga taga suporta ni dating Interior Secretary Robredo lalo na sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Naga.
Nabatid na ito ang unang pagkakataon na hindi nakauwi ang pamilya Robredo sa lungsod para ipagdiwang ang ika-62 kaarawan ng yumaong kalihim.
Sa video message ni Robredo, nagpaabot ito ng paumanhin sa mga Nagueño na hindi sila nakauwi dahil sa kinakaharap na problema sa ngayon kaugnay ng COVID-19 pandemic.
Nabatid na dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng social distancing, 10 katao lamang ang pinayagang dumalo sa wreath laying ceremony sa Eternal Gardens kaninang umaga.
Maliban dito, bilang bahagi ng selebrasyon, namigay din ang mga opisyal ng mga relief goods sa mahigit 30 pamilya ng mga senior citizens, PWDs, solo parent at mga drivers.