Ipinaliwanag ni VP Sara Duterte ang kanyang pagpunta sa tahanan ni dating Vice President Leni Robredo sa Naga City.

Sa isinagawang press briefing, sinabi ni VP Sara na hindi lamang si Atty. Leni Robredo ang kanyang dinalaw na dating nagsilbi na ikalawang Presidente.

Ayon pa sa Bise-Presidente, bahagi ng kanyang trabaho bilang kasalukuyang Vice President ng bansa na bisitahin at magpakilala sa mga dating nagsilbi na ikalawang Presidente upang malaman rin ang kanilang pangangailangan at kung paano umano makakatulong ang kanyang tanggapan.

Kaugnay nito, binigyan diin naman ni VP Sara na personal ang kanyang pagpunta kay Robredo pero tumanggi na rin na magbigay pa ng ibang detalyes dahil wala umano ito sa posisyon na pangunahan an desisyon ng dating Bise Presidente sa kanyang pagbisita dito.

Maalala, spotted ang Bise-Presidente na nagsimba sa Metropolitan Cathedral kasabay ng isinagawang Canonical Coronation ni Our Lady of Peñafrancia.

Samantala, ang ex-VPs na lamang umano na hindi niya nabibisita ay sina dating VP Jejomar Binay at Noli de Castro.