Posibleng hindi sa lahat ng pagdinig kailangan ang presensya ni Vice President Sara Duterte sakaling matuloy ang impeachment trial laban sa kanya, ayon sa kanyang kampo.

Ayon kay Atty. Michael Poa, tagapagsalita ng defense team ng bise presidente, nakadepende ang pagdalo ni Duterte kung hihilingin ito ng hukuman sa partikular na pagdinig.

Ipinaliwanag ni Poa na hindi naman palaging kinakailangan ang personal na presensya ng akusado sa bawat hearing, batay na rin sa naging praktis sa mga nakaraang kaso, kabilang ang impeachment trial ng yumaong Chief Justice Renato Corona.

Sakaling maipasa at maipadala ng Kamara de Representantes ang Articles of Impeachment, inaasahang magko-convene ang Senado bilang impeachment court upang dinggin ang kaso.

Advertisement

Tiniyak naman ng kampo ni Duterte na handa silang makibahagi sa proseso sakaling tuluyang matuloy ang paglilitis.

Advertisement