NAGA CITY- Patay ang isang Barangay Kagawad habang sugatan naman ang isa pang magsasaka matapos pagbabarilin sa Barangay Masalukot III, Candelaria, Quezon.

Kinilala ang binawian ng buhay na si Mario Mendoza, 59-anyos at ang sugatan na si Danilo Evangelista, 57-anyos, parehong residente ng naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nagpuputol ng mga damo ang mag biktima sa nasabing lugar ng dumating ang hindi pa nakikilalang suspek at bigla na lamang nitong pinagbabaril sina Mendoza at Evangelista.

Dahil sa insidente, agad namang binawian ng buhay ang Kagawad habang natamaan naman ng ligaw na bala sa dalawang binti ni Evangelista na agad namang isinugod sa ospital.

Samatala, matapos naman na isagawa ang krimen, mabilis naman na tumakbo ang suspek na nakilala lang sa suot na gray na t-shirt.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng ma awtoridada gayundin ang pag-alam sa motibo ng suspek sa naturang krimen.