NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa loob ng kotse sa Barangay Guis Guis Talon, Sariaya, Quezon.

Tinatayang nasa 40 hanggang 45 anyos na ang biktima , nakasuot ng gray na maong pants at walang suot na damit.

Sa nakalap na impormasyon kan Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napa-alaman na natagpuan ang katawan ng biktima sa likurang bahahi ng kotse at pinaniniwalaang pinagbabaril pa ito dahil sa mga sugat sa kanyang ulo.

Samantala, narekober pa sa lugar ang dalawang fired cartridge case ng caliber 45 pistol.

Dinala naman sa morgue ang katawan ng biktima para naman sa post mortem examination.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaresto sa suspek.