NAGA CITY – Dead-On-Arrival ang isang driver at sugatan naman ang isa pa matapos magkabanggaan ang sinasakyan nitong motorsiklo at SUV sa
Gomez extension sa Lucena City.

Kinilala ang mga biktima na sina Marlon Quinto, 43 -anyos, at si Heliardo Frias, 33- anyos, residente ng Barangay Cotta, nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na habang tinatahak ni Quinto na sakay ng kanyang motorsiklo ang Cotta Port ng mag-overtake sa sasakyan na nasa unahan nito, na nagresulta ng pagbangga sa SUV na minamaneho naman ni Frias na nasa kabilang linya.

Dahil sa insidente, nagtamo ng malubhang pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan sina Frias at si Quinto na agad namang dinala sa Mt. Carmel
Hospital, ngunit idineklarang dead on arrival si Quinto.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente.