NAGA CITY- Patay ang isang senior citizen habang sugatan naman ang dalawang iba pa matapos ang nangyaring salpukan ng dalawang motorsiklo sa Santa Elena, Camarines Norte.

Kinilala ang namatay na si Andres Blaza, 72-anyos, residente ng Purok 14, Barangay Poblacion sa nasabing lugar.

Samantala, kinilala naman ang mga nasugatan na sina; Julius Trillado at ang angkas nitong si Joemel Haquias, kapwa 20-anyos, Residentes ng Purok 1, Barangay Bulala, Sta. Elena, Camarines Norte.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), napag-alaman na habang binabaybay ng motorsiklong minamaneho ni Trillado ang kahabaan ng Maharlika Highway Patungo sa Barangay Poblacion Angkas si Haquias, dito na nito aksidenteng sumalpok ang motor na minamaneho ni Blaza.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na nasakop na ni Blaza ang kabilang linya dahil sa ginawang pag U-turn nito.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang tatlo kung kaya’t agad naman itong dinala sa ospital ngunit ideniklara ng Dead on Arrival ng mga Doktor si Blaza.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga Awtoridad hinggil sa nasabing insidente.