NAGA CITY – Patay ang isang indibidwal habang sugatan naman ang isa pa matapos ma hit and run sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy Bukal Sur, Candelaria Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina Laisa Manalo Landicho, 43-anyos at si Leo Diago Landicho, 49 anyos, kapwa residentes ng Brgy Lalig, Tiaong sa naturang lalawigan. 

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na habang minamaneho ni Leo ang kanyang motorsiklo, angkas si Laisa ng mabundol ito ng isang sasakyan na minamaneho ng hindi pa nakikilalang driver.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima na agad namang dinala sa ospital ngunit idineklara ringbdead on arrival ng mga doktor si Laisa. 

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad habang nagpapatuloy naman ang paghahanap sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek na agad naman na tumakas, matapos ang nasabing insidente.