Hindi bababa sa 10 katao ang nasawi at 50 ang sugatan matapos ang airstrike ng Israel sa Bekaa Valley sa Lebanon.
Nauna nang inihayag ng militar ng Israel na tinarget nito ang mga pasilidad ng Hezbollah sa Baalbek area.
Kabilang ang mga pag-atake sa pinakamadugong insidente sa Lebanon sa mga nakaraang linggo. Ilang beses nang nagbabatuhan ng akusasyon ang magkabilang panig hinggil sa umano’y paglabag sa kasunduan.
Sa pahayag ng Israeli military, tinamaan umano nito ang mga command center ng Hezbollah sa Baalbek, bahagi ng Bekaa Valley. Kabilang sa mga nasawi ang isang mataas na opisyal ng Hezbollah bagamat bineberipika pa ang pagkakakilanlan nito.
Nagkasundo ang Israel at Hezbollah sa isang ceasefire na pinangasiwaan ng Estados Unidos noong 2024 upang wakasan ang mahigit isang taong digmaan sa border, na humantong sa pag-atake ng Israel na nagpahina sa grupong suportado ng Iran. Mula noon, kapwa nila inaakusahan ang isa’t isa ng paglabag sa kasunduan.
Kinondena ng Hamas ang pag-atake at itinanggi ang pahayag ng Israel na pasilidad ito ng kanilang grupo. Ayon sa Hamas, ang tinamaan ay pasilidad ng Joint Security Force.














