NAGA CITY- Patay ang dalawa katao matapos makabangga sa puno ng mangga ang isang motorsiklo sa Brgy. Mabilo 1, Labo, Camarines Norte.

Kinilala ang mga biktima na sina Efren De Vela, 63-anyos isang negosyante at backrider nito.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office napag-alaman na habang binabaybay ng biktima ang kahabaan ng kalsada ng nasabing lugar at papunta sana sa Brgy. Tulay na Lupa, nang aksidente nag-iba ang direksyon ng sasakyan at tuluyang bumangga sa puno ng mangga hanggang sa nahulog sa drainage canal.

Dahil dito nag tamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na agad namang isinugod sa ospital ngunit idineklara ng dead on arrival ng mga doctor.

Base sa imbestigasyon, pinaniniwalaang nakainom an mga ito nang mangyari ang insidente.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.