Pormal nang nagbitiw ang dalawang mambabatas mula sa party-list sa kanilang puwesto sa Kamara de Representantes nitong Lunes, ayon sa anunsyo sa plenary session.
Ayon kay Zamboanga del Sur Rep. Jeyzel Victoria Yu, natanggap na ng Kamara ang mga liham ng pagbibitiw nina 1Tahanan Party-list Rep. Nathaniel Oducado at Pinoy Workers Party-list Rep. Franz Vincent Legazpi.
Sa isinagawang plenary session, kinumpirma rin ni Yu ang naturang mga pagbibitiw bago ihain ang mosyon na tanggalin ang dalawa sa opisyal na talaan ng mga miyembro ng mababang kapulungan.
Ang hakbang ay bahagi ng pinakahuling serye ng mga pag-alis sa Kamara, kasunod ng naunang pagbibitiw ng isang kongresista na iniugnay sa bilyun-bilyong pisong anomalya sa flood control projects.
Advertisement
Advertisement














