NAGA CITY- Ilang mga quarantine cubicle an pinadala ng Office of the Vice President sa lungsod ng Naga.

Sa naging pahayag ni former Naga City Coun. Ray-An Rentoy, sinabi nito na nasa 200 na mga quarantine cubicle ang pinadala ni Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Rentoy, 100 ang una ng dumating at karagdagang 100 pa ang inaasahang darating bukas.

Ayon pa kay Rentoy layunin nito na makatulong lalo na sa nahawaaan ng COVID-19 sa lungsod.