NAGA CITY- Arestado ang tatlong indibidwal matapos ang isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa Calabanga, Camarines Sur.

Ayon kay PMSG. Johannes Rocel Sabroso, PCAD-PNCO ng Calabanga MPS, ang nasabing operasyon ang ikinasa sa Barangay Sibobo na kung saan nakumpiska sa mga suspek ang dalawang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet nang pinaghihinalaan na iligal na droga.

Dagdag pa ng opisyal, isang drug dean ang lugar na kinaroroonan ng mga suspek na una na ring inilagay sa surveillance ng kanilang hepatura.

Kaugnay nito, wala pang tiyak na halaga ang nasamsam na mga iligal na droga dahil nasa crime lab pa ito.

Sa ngayon, tiniyak naman ng opisyal na hindi tumitigil ang Calabanga MPS sa paghabol sa mga tao na patuloy na nagsasagawa ng iligal na aktibidad kasabay ng kanilang panawagan sa publiko na huwag matakot na magsumbong sa kanilang opisina enkaso mayroong impormasyon patungkol sa iligal na transaksyon sa droga.