BOMBO NAGA- Aabot sa humigit-kumulang P100,000 ang pinsalang iniwan ng sunog sa Purok Buklod Pagkakaisa, Brgy. Cotta, Lucena City.

Kinilala ang mga nasunugan na sina Froctuso Layson Romano, 73-anyos; Rolly Rivas Embuscado, 49-anyos; Israel Mercurio Romano, 28-anyos; at Irra Mae Mercurio Romano, 26-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na apat na bahay ang tinupok ng sumiklab na sunog na gawa lamang sa light materials.

Sa ngayon, inaalam pa ang dahilan ng sunog at kabuuang pinsala ng nasabing insidente.