NAGA CITY- Patay ang isang 5-anyos na batang lalaki matapos mabundol ng isang truck sa Labo, Camarines Norte.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyop Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang minamaneho ng suspek na kinilalang si Rad, 36-anyos, ang kaniyang truck papunta sa Jose Panganiban, Camarines Norte dito na nito aksidenteng nabundol ang bata na naging resulta ng pagkamatay nito.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office, napag-alaman na bigla na lamang tumawid mula sa kaliwang bahagi ng kalsada si Rad kung saan dito nabangga ang bata.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon habang inihahanda ang kasong isasampa laban dito.