Pinag-aaralan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na huwag tanggapin ang kanyang suweldo at allowances habang nananatili siyang absent sa Senado, ayon kay Senate Deputy Majority Leader at Ethics Committee chairperson JV Ejercito.

Ayon kay Ejercito, tinalakay ng Senate Committee on Ethics and Privileges ang mga nakabinbing reklamo laban sa mga mambabatas at isinasagawa ito sa “first-in, first-out” na proseso.

“I think meron ng ano, they’re just waiting for the final decision. They’re already considering,” ani Ejercito, na nagsabing magandang senyales ito para sa kaso ni Dela Rosa.

Dagdag pa niya, pinag-iisipan ng kampo ng senador kung isusuko muna nito ang pagtanggap ng sahod at allowances habang hindi ito dumadalo sa sesyon ng Senado.

Advertisement

“I recommended whether to waive the salaries and the allowances,” dagdag ni Ejercito.

Una nang hinikayat ni Ejercito si Dela Rosa na boluntaryong isuko muna ang kanyang benepisyo habang nananatiling wala sa Senado, dahil wala pang umiiral na “no work, no pay” rule na awtomatikong ipinatutupad.

Hindi pa rin nagpapakita sa Senado si Dela Rosa mula noong Nobyembre 2025, kasunod ng mga ulat tungkol sa umano’y warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng war on drugs.

Umaasa naman si Ejercito na magkakaroon ng malinaw na development sa sitwasyon ng senador sa mga susunod na araw.

Advertisement