Isang 66-anyos na padre de pamilya ang natagpuang wala nang buhay matapos umanong ginilitan sa leeg sa Barangay Barera Jr., bayan ng Lupi, Camarines Sur nitong Abril 19, bandang alas-10 ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Nicolas “Kulas” Lontac y Doe, residente ng nasabing lugar, ayon sa paunang ulat ng mga awtoridad.
Natagpuan ang biktima na may sugat sa leeg na hinihinalang naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Wala pa ring malinaw na impormasyon kung sino ang salarin sa insidente.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad habang nagsasagawa na rin ng pagsusuri ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng krimen.
Advertisement
Sa kasalukuyan, wala pang natutukoy na suspek at patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo sa naturang insidente.
Advertisement














