NAGA CITY- Sa kulungan ang bagsak ng isang lolo matapos nitong molestyahin ang isang 5-anyos na bata sa Polillo, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na naglalaro lamang ang bata ng biglang lumapit ang matanda.

Sinabihan umano nito ang bata na sumama sa kanya para gahasain.

Hindi pa nakuntento ang 70-anyos na suspek, hinawakan pa nito ang maselang bahagi ng katawan ng biktima.

Kaugnay nito, agad namang nagsumbong ang bata at mabilis namang naaretso ang suspek.