NAGA CITY – Sinipa na sa puwesto ang walong intelligence officer na inaresto kaugnay ng drug raid sa maling bahay sa Lucena City.

Ayon kay Brigadier General Paul Kenneth Lucas, Calabarzon police director, ang nasabing mga opisyal ay inilipat sa Regional Headquarters Holding Accounting Section kahapon, Mayo 28, 2024.

Ipinag-utos na rin ng opisyal sa Regional Investigation and Detective Management Division na makipag-ugnayan sa Regional Internal Affairs Service para sa isang parallel administrative investigation.

Tiniyak rin nito sa publiko na ang mga opisyal, kung mapatunayang nagkasala, ay paparusahan ng naayon sa batas.

Ang walong opisyal ay nahaharap ngayon sa kasong grave threat, unjust vexation at violation of domicile.