NAGA CITY- Pinaniniwalaan na nakararaans ng depresyon ang babaeng may-ari ng bahay na nasunog sa Barangay Peñafrancia, Naga City.
Ayon kay Kap. Ricardo Sierra Jr., pinaniniwalaan nilang ikinulong ng naturang babae ang sarili sa loob ng kaniyang bahay bago pa ang sunog. Dahil dito, kinailangan na pwersahang buksan ang pinto ng bahay para lang mailigtas ang babae.
Napag-alaman din na nag-iisa lang ito, dahil ang kapatid nitong kapitbahay man lang ng babae wala ng mga oras na nangyari ang insidente.
Maswerte naman na agada naapula ang nasabing sunog sa tulong naman ng mga kapitbahay nito.
Advertisement
Samantala, hindi naman lumaki ang apoy dahil sementado ang naturang bahay.
Advertisement