Patay ang isang senior citizen na lalaki matapos malunod sa Sariaya, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Arcadio, 65-anyos at residente ng Brgy. Janagdong 2, sa naturang bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nakatanggap ng ulat ang Sariaya Municipal Police Station mula sa chief tanod ng Brgy. Castañas, hinggil sa insidente nang pagkalunod.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awotirdad, napag-alaman pa na nakita ang biktima sa bumubulusok na ilog na wala nang buhay.
Sa panayam sa anak ng biktima na kinilalang si Jennalyn bandang 6 ng gabi nitong Hunyo 23, 2025 nang umalis ang biktima sa Sitio Kurba ng Brgy. Papunta sa direksyon ng Sariaya Town proper habang sakay ng kanyang minamanehong itim na motorsiklo na tumawid sa spillway ng Brgy. Limbon, Sariaya, Quezon.
Ngunit dahil sa malakas na agos ng tubig, natangay ang biktima kasama ang kanyang motorsiklo na nagresulta sa kanyang pagkakalunod, hanggang sa matagpuan itong wala nang buhay sa nasabing lugar.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naturang insidente.