Ipinabalita ng Department of Education (DepEd) na ang work from home (WFH) policy tuwing Biyernes ay para lamang sa mga non-teaching personnel ng DepEd offices at hindi sakop ang mga guro at school-based staff.

Ayon sa DepEd, magpapatuloy ang mga guro at school-based staff na pumasok sa kanilang mga paaralan upang matiyak ang tuloy-tuloy na daloy ng klase.

Nakasaad sa DepEd Memorandum na ang WFH tuwing Biyernes ay epektibo lamang sa mga non-teaching personnel sa central, regional, at division offices ng departamento.

Binigyang-diin ng ahensya na mahalaga na ipagpatuloy ng mga teaching personnel ang kanilang regular na schedule upang hindi maantala ang pagkatuto ng mga estudyante.

Advertisement

Ang polisiya ay bahagi rin ng layunin ng gobyerno na makatipid sa enerhiya sa pamamagitan ng pagpapatupad ng 4-day work week para sa ilang ahensya ng pamahalaan.

Advertisement