Magsisimula sa Marso 17 ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamahagi ng P5,000 cash assistance sa mga public utility vehicle (PUV) drivers na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Ayon sa DSWD, unang makakatanggap ng ayuda ang mga tricycle drivers sa Metro Manila. Sa unang yugto ng programa, tinatayang 139,000 tricycle drivers sa National Capital Region ang makikinabang.
Ang pondo ay manggagaling sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD. Paliwanag ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlaon, tinuturing nilang nasa economic distress ang mga drivers dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, kaya’t karapat-dapat silang makatanggap ng tulong mula sa gobyerno.
Advertisement












