Humarap sa Sandiganbayan Sixth Division si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo ngayong Martes, Marso 17, bilang testigo sa kasong malversation laban sa mga opisyal ng DPWH-MIMAROPA.
Ang kaso ay may kaugnayan sa umano’y anomalya sa road dike project sa Oriental Mindoro, bahagi ng mas malawak na flood control scam case.
Si Bernardo, na sakop ng Witness Protection Program (WPP), ay tumestigo laban sa siyam na opisyal ng DPWH-MIMAROPA na nahaharap sa malversation sa anti-graft court. Ilan sa mga sangkot na opisyal ay itinuro mismo ni Bernardo.
Nauna nang nag-plead ng not guilty ang mga DPWH-MIMAROPA officials sa kasong malversation at graft.
Advertisement
Advertisement









