Kinokonsidera ng pamahalaan ang posibilidad na mag-angkat ng langis mula sa Russia upang mapababa ang presyo ng petrolyo at matiyak ang suplay, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa DFA, layunin ng hakbang na ito na mabawasan ang matinding pag-asa ng bansa sa Middle East, kung saan nagmumula ang 98% ng krudo ng Pilipinas, na apektado ng digmaan sa pagitan ng U.S., Israel, at Iran.

Ani Energy Secretary Sharon Garin, nakipag-ugnayan na ang Philippine National Oil Company (PNOC) sa Russia, ngunit hindi pa napag-uusapan ang detalye ng dami o tagal ng posibleng suplay. Kasabay nito, nakikipag-ugnayan din ang Pilipinas sa iba pang exporters gaya ng Thailand, Japan, at Singapore upang matiyak ang sapat na suplay habang pabago-bago ang presyo sa pandaigdigang merkado.

Advertisement