Inaresto ang isang Pilipino matapos umanong utusan na magbigay ng sensitibong impormasyon hinggil sa operasyon ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea, pati na rin sa Balikatan Exercises.

Ayon sa suspek na itinago sa alyas na “Danny,” kabilang siya sa tatlong Pilipinong iniimbestigahan kaugnay ng umano’y paniniktik para sa China. Ibinunyag niya na una niyang inakala na isang American journalist ang kanyang kausap, ngunit kalaunan ay humantong ito sa paghingi ng mga sensitibong datos.

Sinabi pa ng suspek na hinihiling sa kanya ang impormasyon tungkol sa galaw at operasyon ng mga puwersa ng Pilipinas sa West Philippine Sea, kabilang ang mga aktibidad na may kaugnayan sa pambansang seguridad.

Sa kasalukuyan, patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente. Pinaigting din ang seguridad lalo na sa gitna ng tumitinding aktibidad sa West Philippine Sea at ng isinasagawang mga joint military exercises ng bansa.

Advertisement
Advertisement