Inatasan ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng pampublikong paaralan sa bansa na magsagawa ng simple at low-cost graduation at moving-up ceremonies para sa School Year 2025–2026, bilang tugon sa tumataas na gastusin sa transportasyon at presyo ng bilihin.

Sa ilalim ng DepEd Memorandum No. 015, s. 2026, ipinagbabawal ang anumang koleksyon ng fees o kontribusyon mula sa mga estudyante para sa end-of-school-year rites. Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layunin nito na mapagaan ang pasanin ng mga pamilya.

Ipinag-utos din ng DepEd na iwasan ang magastos na venues at gawing inklusibo ang mga seremonya, habang maaaring gamitin ang school MOOE para sa gastusin.

Tinatayang 1.9 milyong Grade 6 at 1.8 milyong Grade 12 learners ang magtatapos ngayong taon, at nakatakda ang mga seremonya sa Marso 30 o 31, 2026.

Advertisement

Ayon sa DepEd, ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy nilang pagsisikap na suportahan ang mga mag-aaral at kanilang pamilya sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing pangangailangan.

Advertisement