MAHIRAP pang makita o mapagdesisyunan kung uusad o mababasura ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Ito ang binigyang-diin ng isang political analyst matapos ang isinagawang committee hearing na isinagawa sa House Committee on Justice kahapon, Marso 25, 2026.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Naga kay Atty. Michael Henry Yusingco, isang political analyst, sinabi nito na masyado pang maaga upang husgahan ang kasong ito ng pangalawang pangulo.
Suspetsa ni Yusingco, na dadalhin ng kampo ni VP Sara ang reklamong ito sa Korte Suprema na kung saan merong ilang mga bentaha pag nagyari ito; Una, pag nakarating ito sa Supreme Court, maaaring mag-isyu ng TRO ang korte upang mapatigil ang proceedings, at magkakaroon ng maraming legal at constitutional questions na lilitaw at iikot na siyang magiging dahilan upang matabunan ang mga akusasyon laban sa bise presidente.
Pagdating naman sa hindi pagdalo ni VP Sara Duterte sa comiittee hearing, wala umano itong nakikitang mali sa sitwasyong ito at nagpahayga ng hindi pagsang-ayon sa statement ni Rep. Leila De Lima na betrayal sa public trust ang hindi pagdalo ng pangalawang pangulo sa proceedings dahil karapatan di umano ito ni Duterte at parte ito ng kanilang estratehiya.
Kung sakali mang makarating ang complaint sa Senado, hindi pa rin masasabi kung maa-archive pa ba ito o hindi dahil wala pang matibay na ebidensiya para idiin ang bise presidente sa ngayon.
Hindi rin sapat na batayan para sa impeachment ang ginawang pagbabanta o grave threat ni VP Sara laban kay PBBM, First Lady Liza Araneta Marcos, at kay dating House Speaker Martin Romualdez. Nilinaw pa ni Yusingco na hindi ibig sabihin na marami ang pabor o bumuto sa kongreso upang maimpeach si VP Sara, ay yaon na ang mangyayari.
Aniya, marami pa ang pagdadaanan ng impeachment na ito laban sa pangalawang pangulo at kinakailangan pa ng malalim na imbestigasyon.
Inaasahan ng opisyal na magkakaroon pa rin ng mga paglilitis at pag-aaral sa mga ebidensiyang inilatag dahil ito ang makapagsasabi kung tuluyan ng mai-impeach si VP Sara o hindi. Sa ngayon, nagpaalala na lamang si Yusingco sa publiko na palaging bantayan ang kaso laban sa pangalawang pangulo.














