Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na patuloy ang kanilang imbestigasyon sa mga kasong nakabinbin kaugnay ng mga maanomalyang flood control projects sa bansa.
Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, nananatiling prayoridad ng kagawaran ang paglutas sa mga kasong ito kahit na kasalukuyang kinakaharap ng bansa ang krisis sa presyo ng gasolina, na maaaring makapagpabaling ng atensyon ng publiko at pamahalaan.
“Hindi natin pinapabayaan ang anumang kaso. Ang DOJ ay nananatiling tapat sa pagbibigay hustisya at pagpaparusa sa mga lumalabag sa batas,” pahayag ni Vida.
Idinagdag niya na ang kagawaran ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya upang masiguro ang mabilis at patas na pagresolba sa mga imbestigasyon.
Sa kabila ng iba pang pambansang problema, tiniyak ng DOJ na ang mga anomalya sa proyekto para sa flood control ay hindi malilimutan at ang mga sangkot ay panagutin ayon sa batas.














