Inanunsyo ni U.S. President Donald Trump na pumayag ang Israel at Lebanon sa 10-araw na ceasefire na nagsimula nitong Abril 16, kasunod ng serye ng pag-uusap ng mga lider ng dalawang bansa.

Ayon kay Trump, nabuo ang kasunduan matapos ang “excellent conversations” sa pagitan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at Lebanese President Joseph Aoun, dalawang araw matapos ang peace talks ng dalawang bansa sa Washington.

“These two Leaders have agreed that in order to achieve PEACE between their Countries, they will formally begin a 10 Day CEASEFIRE at 5 P.M. EST,” ayon sa pahayag ni Trump sa kanyang Truth Social network.

Inatasan din umano ni Trump si U.S. Vice President JD Vance, Secretary of State Marco Rubio, at top U.S. military officer Dan Caine na makipagtulungan sa Israel at Lebanon upang maisulong ang pangmatagalang kapayapaan.

Advertisement

“It has been my Honor to solve 9 Wars across the World, and this will be my 10th, so let’s, GET IT DONE!” dagdag pa ng Pangulo.

Matatandaang paulit-ulit na inaatake ng Hezbollah ang Israel bilang suporta sa Iran, na nagdulot ng tumitinding tensyon sa rehiyon.

Ayon sa mga ulat, mahigit 2,000 katao na ang nasawi sa mga airstrike ng Israel sa Lebanon, habang milyon-milyong sibilyan ang napilitang lumikas dahil sa patuloy na labanan.

Advertisement