Patuloy na pinalalawak ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga youth employability program nito alinsunod sa mga prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Sa ika-124 na Araw ng Paggawa, pormal na nilagdaan ng DOLE at Department of Health (DOH) ang kasunduan para sa deployment ng 5,000 interns sa ilalim ng Government Internship Program (GIP) sa mga tanggapan ng DOH.

Layunin ng programa na mabigyan ang mga benepisyaryo ng kasanayan, karanasan, at oportunidad sa serbisyo publiko.

Sa General Santos City, pararangalan din ang mga kalahok sa GIP, Special Program for Employment of Students (SPES), at JobStart Philippines sa pamamagitan ng plaques of appreciation bilang pagkilala sa kanilang ambag at partisipasyon.

Advertisement

Bukod dito, pipirma ang DOLE ng Memorandum of Agreement kasama ang Civil Service Commission (CSC) para sa mas pinalawak na job fairs at employment facilitation activities na magpapadali sa pagpasok ng mga Pilipino sa trabaho sa pampublikong sektor.

Sa ilalim ng partnership, magbibigay ang CSC ng impormasyon tungkol sa eligibility requirements, training, exam schedules, at job vacancies bilang bahagi ng one-stop-shop services sa mga job fair.

Kasama rin sa inisyatiba ang taunang job fairs tuwing Civil Service Month, CSC participation sa government service hubs, at pagsasama ng PhilJobNet registration at job fair promotion.

Dagdag pa rito, magbibigay ang DOLE ng livelihood at emergency employment assistance sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program (DILEEP) bilang suporta sa kita ng mga manggagawa at tulong sa epekto ng mga krisis tulad ng energy emergency.

Advertisement