Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. si dating Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Kim Robert de Leon bilang bagong kalihim ng DBM.

Si de Leon ang pinakabatang naging kalihim ng ahensiya at isa rin sa mga pinakabatang miyembro ng Gabinete sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Pinalitan niya si dating Officer-in-Charge Rolando Toledo, na pansamantalang namuno sa DBM matapos magbitiw si dating DBM Secretary Amenah F. Pangandaman sa gitna ng kontrobersiya kaugnay ng umano’y budget insertions para sa infrastructure projects.

Kinumpirma ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro ngayong Lunes, Mayo 18, ang pagkakatalaga kay de Leon.

Advertisement

Nakatakda namang manumpa sa puwesto ang bagong kalihim sa Mayo 19.

Kilala si de Leon sa kanyang kadalubhasaan sa fiscal management, organizational reform, at digital transformation.

Advertisement