Patuloy na nagtitiwala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” C. Remulla Jr. sa kabila ng mga kontrobersiyang kinakaharap ng kalihim.

Ayon sa Malacañang, nananatili ang kumpiyansa ng Pangulo kay Remulla sa gitna ng mga batikos kaugnay ng hindi umano pag-aresto kay Senador Ronald “Bato” M. dela Rosa, gayundin sa maling impormasyon hinggil sa umano’y status ng dating kongresistang si Elizaldy “Zaldy” S. Co at sa usapin ng Interpol red notice.

Nilinaw ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na sa mga huling pagpupulong nila sa Pangulo ay wala silang nakitang indikasyon na nawalan ito ng tiwala sa kalihim.

Sinabi rin ni Castro na wala silang natatanggap na impormasyon kaugnay ng mga usap-usapang maaaring ipalit kina dating Senador Antonio Trillanes IV o dating DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. bilang susunod na kalihim ng DILG.

Advertisement

Matatandaang humingi na ng paumanhin si Remulla kaugnay ng maling pahayag hinggil sa kaso ni Co.

Nilinaw rin ng kalihim na ang kaniyang presensiya sa Senado matapos ang naganap na shooting incident ay upang tiyakin ang seguridad ng mga senador at ng institusyon, at hindi upang arestuhin si dela Rosa.

Advertisement