Kinumpirma ng isang opisyal ng pamahalaan na binawi ng Estados Unidos ang diplomatic at tourist visa ni dating House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Ambassador Jose Manuel Romualdez ng Philippine Embassy sa Washington, D.C., kanselado na ang A-1 diplomatic visa at B1/B2 non-immigrant visa ng kinatawan ng Leyte. Gayunman, walang ibinigay na partikular na dahilan ang mga awtoridad ng Estados Unidos hinggil sa nasabing hakbang.

Samantala, nilinaw ng Embahada ng Estados Unidos sa Maynila na ang lahat ng impormasyon kaugnay ng visa records at mga desisyong may kinalaman dito ay itinuturing na kumpidensiyal.

Ayon sa tagapagsalita ng embahada, hindi maaaring magbigay ng komento ang US Department of State tungkol sa mga indibidwal na kaso ng visa o anumang espesipikong aksiyong isinagawa nito dahil sa umiiral na patakaran sa pagiging kompidensiyal ng mga rekord.

Advertisement

Matatandaang naiuugnay si Romualdez sa mga alegasyon kaugnay ng umano’y mga iregularidad sa ilang flood control projects sa bansa, bagama’t wala pang pinal na hatol o opisyal na pagdidiin laban sa kanya kaugnay ng mga naturang isyu.

Advertisement