Bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga panukalang batas na maghihigpit sa paggamit ng social media ng mga menor de edad upang maprotektahan sila laban sa mga panganib tulad ng cyberbullying, online exploitation, at mga isyu sa kalusugang pangkaisipan.

Ito ang sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro nang tanungin kung nakikita ng administrasyon ang pangangailangang repasuhin ang access ng mga bata sa social media, kasunod ng mga hakbang ng ilang bansa gaya ng Australia, France, at United Kingdom.

Ayon kay Castro, napag-usapan na rin sa pamahalaan ang epekto ng labis na paggamit ng ilang online applications sa mga kabataan, kabilang ang pagkahumaling sa mararahas na online games at iba pang digital content.

Dagdag pa ng opisyal, isang magandang hakbang ang pagkakaroon ng batas na magtatakda ng mas mahigpit na regulasyon sa paggamit ng social media at iba pang online platforms ng mga bata.

Advertisement

Umaasa si Castro na agad makakagawa ang Kongreso ng mga kaukulang hakbang upang matugunan ang mga hamon sa digital na panahon at mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga kabataan.

Advertisement