Nagbigay-pugay si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez nitong Martes ng gabi sa mga lamay ng mga estudyanteng nasawi sa pamamaril na naganap sa San Jose National High School sa Tacloban City.
Personal na nagpaabot ng pakikiramay si Romualdez sa mga pamilya ng mga biktima at ipinahayag ang kanyang pakikiisa sa kanilang pagdadalamhati matapos ang trahedyang kumitil sa buhay ng ilang mag-aaral.
Bukod sa pagbisita sa mga naulilang pamilya, dinalaw din ng mambabatas ang mga estudyanteng nasugatan sa insidente upang alamin ang kanilang kalagayan at magbigay ng suporta.
Ayon kay Romualdez, mahalagang matugunan ang pangangailangan ng mga biktima at kanilang pamilya habang isinasagawa ng mga awtoridad ang imbestigasyon sa insidente.
Patuloy naman ang mga kinauukulang ahensya sa pagkalap ng impormasyon upang matukoy ang mga pangyayari sa likod ng pamamaril at matiyak ang seguridad ng














