Kinumpirma ng Iglesia ni Cristo o INC spokesperson na si Bro. Edwil Zabala na ang isinagawang rally sa EDSA ngayong umaga ay bahagi ng kanilang pagpapahayag ng suporta kay Senator Rodante Marcoleta.
Ayon kay Zabala, isinagawa ang pagtitipon upang manawagan para sa transparency, accountability, justice, at peace.
Binigyang-diin ng INC na mahalaga ang patas na pagpapatupad ng batas at iginiit na ang tinatawag na selective justice ay isang uri umano ng kawalan ng katarungan.
Ayon pa sa kanilang tagapagsalita, nais iparating ng kanilang grupo ang panawagan para sa pagkakapantay-pantay at pagiging patas sa mga usaping may kinalaman sa hustisya.
Samantala, patuloy namang binabantayan ng mga awtoridad ang sitwasyon sa EDSA habang isinasagawa ang rally upang matiyak ang seguridad ng mga dumalo at mapanatili ang kaayusan sa lugar.














