Binigyang-diin ni Senator-Judge Alan Peter Cayetano na hindi siya matitinag sa gitna ng umano’y pagtatangkang i-intimidate siya kasunod ng isinagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng sinasabing iregularidad sa 2019 SEA Games.
Si Cayetano ang nagsilbing chairman ng Philippine SEA Games Organizing Committee noong idinaos ang palaro sa bansa. Ayon sa senador, handa siyang harapin ang anumang pagsusuri o imbestigasyon upang mapanatili ang transparency at pananagutan.
Samantala, sinabi ni Cayetano na nais niyang magsilbing pagsubok ang impeachment trial upang maipakita na umiiral at gumagana ang Konstitusyon sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga paniniwala at interes sa pulitika.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagsunod sa proseso ng batas at pagpapanatili ng tiwala ng publiko sa mga institusyon ng bansa.














