Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang karagatang bahagi ng Jomalig, Quezon nitong Martes ng gabi, Hulyo 29, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Batay sa Earthquake Information No. 1 ng PHIVOLCS, naitala ang pagyanig alas-10:11 ng gabi. Natukoy ang epicenter sa layong 93 kilometro hilagang-silangan ng Jomalig, Quezon, sa lalim na 10 kilometro.
Naramdaman ang Intensity III sa Quezon City.
Samantala, naitala rin ang Instrumental Intensity III sa Jose Panganiban at Mercedes sa Camarines Norte, gayundin sa Guinayangan at Infanta sa Quezon.
Instrumental Intensity II naman ang naitala sa Ragay, Iriga City, Pili, Sipocot, at Sagnay sa Camarines Sur.
Sa ngayon, wala pang iniulat na pinsala o nasawi kaugnay ng lindol. Hindi rin inaasahan ang tsunami bunsod ng naturang pagyanig.














