Walong katao ang nasawi at 19 naman ang nagtamo ng pinsala matapos gumuho ang isang gusaling may tatlong palapag sa Flatbush Avenue, Brooklyn, New York.

Batay sa ulat ng New York City Fire Department, apat sa mga sugatan ang nananatili sa kritikal na kondisyon at patuloy na inoobserbahan sa ospital.

Hindi pa rin itinitigil ng mga awtoridad ang search and rescue operations upang alamin kung may iba pang mga taong naipit sa ilalim ng mga guho. Isa sa mga nailigtas ang isang buntis na babae na natagpuang buhay.

Inaalam din ng mga imbestigador kung may kinalaman sa pagguho ang katabing construction site kung saan isinasagawa ang excavation work.

Advertisement

Patuloy ang operasyon ng mga rescuers sa kabila ng delikadong kondisyon sa lugar, habang posibleng makadagdag sa hamon ang pag-ulan at pagkulog at pagkidlat.

Patuloy pang sinisiyasat ng mga awtoridad ang pinagmulan ng insidente.

Advertisement