Hindi muna makakasabak nang hindi bababa sa dalawang linggo si Stephen Curry ng Golden State Warriors matapos magkaroon ng injury sa kaniyang oblique abdominal muscle.
Maagang umalis sa laro si Curry kontra Houston Rockets matapos makaramdam ng pananakit sa unang quarter. Sumailalim din siya sa MRI upang matukoy ang lawak ng kaniyang pinsala.
Dahil sa naturang injury, inaasahang hindi siya makakasama sa susunod na pitong laro ng Warriors kontra San Antonio Spurs, New Orleans Pelicans, Dallas Mavericks, Memphis Grizzlies, Boston Celtics, Sacramento Kings at Portland Trail Blazers.
Advertisement














