Hindi naging hadlang ang ilang ulit na pagkabigo sa Veterinary Licensure Examination upang makamit ni Dr. Maria Andrea Girona Orfanel ang pangarap na maging lisensiyadong beterinaryo matapos makapasa sa 2026 Veterinarians Licensure Examination.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga ki Dr. Ma. Andrea Gerona-Orfanel | 2026 Veterinarians Licensure Examinations Passer, ibinahagi nito na hindi Veterinary Medicine ang una niyang piniling kurso. Napagpasyahan niyang tahakin ang propesyong ito matapos mabigyan ng pagkakataong makapag-aral sa pamamagitan ng scholarship sa Central Bicol State University of Agriculture sa Pili, Camarines Sur.
Ayon sa kaniya, umabot ng anim hanggang pitong taon at kalahati ang kaniyang pag-aaral dahil sa iba’t ibang pagsubok sa kolehiyo. Naging hamon din ang paulit-ulit na pagkuha sa licensure examination, lalo na ang pagharap sa takot at pagdududa sa sariling kakayahan.
Bilang isang ina, naging hamon din sa kaniya ang pagbabalanse ng oras para sa pag-aaral at mga responsibilidad sa pamilya. Dahil dito, nagpasya siyang mag-file ng dalawang buwang leave sa trabaho upang higit na makapagtuon ng pansin sa paghahanda para sa
Sa kabila ng mga pagsubok, naging sandigan niya ang suporta ng pamilya, mga kaibigan, at katrabaho hanggang sa makamit ang pinapangarap na lisensiya.
Sa kasalukuyan, nagtatrabah ito sa isang pribadong veterinary clinic sa Iriga City. Kabilang sa kaniyang mga plano ang higit pang paglinang sa larangan ng small animal practice, partikular sa pangangalaga sa mga aso at pusa.
Para kay Orfanel, hindi dapat ikahiya ang paulit-ulit na pagkabigo dahil hindi nasusukat sa dami ng pagtatangka ang kakayahan ng isang tao na magtagumpay.
Aniya, ang pagkakaroon ng lisensiya ay simula pa lamang ng mas malaking responsibilidad na maging mahusay at responsableng beterinaryo.














