Handa si US President Donald Trump na makipagkita at makipag-usap kay Russian President Vladimir Putin sakaling magkasabay silang magtungo sa China.
Ayon kay Trump, hindi niya palalampasin ang pagkakataong makaharap nang personal si Putin upang magkaroon ng pag-uusap.
Kapwa inaasahang bibisita sa China sina Trump at Putin sa paanyaya ni Chinese President Xi Jinping. Posible ring dumalo sa naturang pagtitipon si North Korean leader Kim Jong Un.
Dagdag pa ni Trump, nais niyang hikayatin ang Russia at North Korea na makiisa sa pagsisikap na kumbinsihin ang Iran na wakasan na ang nagpapatuloy na digmaan.
Advertisement
Advertisement














