Umabot na sa mahigit 100,000 indibidwal ang nakapagparehistro bilang mga bagong botante simula nang buksan ng Commission on Elections o COMELEC ang voter registration noong Nobyembre 10.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, gumawa na ng mga hakbang ang komisyon upang matugunan ang ilang suliranin sa mga registration site, kabilang ang kakulangan ng mga upuan at paglalagay ng registration machines sa ground floor upang mapadali ang proseso para sa senior citizens at persons with disabilities o PWDs.
Muling nilinaw ni Garcia na walang bayad ang pagpaparehistro bilang botante gayundin ang pagkuha ng voter’s certificate.
Dahil dito, hinikayat ng COMELEC ang publiko na agad magsumbong sa komisyon sakaling may sinumang maningil para sa nasabing mga serbisyo.














