Binigyang-diin ni Senator-Judge Imee Marcos ang kahalagahan ng pagiging patas at walang kinikilingan sa pagsusuri ng mga ebidensiya sa ika-44 na araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte noong Nobyembre 19.

Inihalintulad ni Marcos ang prinsipyo ng hustisya sa nakapiring na Lady Justice, na sumisimbolo sa pantay na pagtrato sa lahat sa ilalim ng batas.

Ayon sa senadora, hindi dapat nakabatay sa mga personalidad na sangkot ang pagtataya sa mga ebidensiya, kundi sa pantay na pagpapatupad ng batas.

Nagbigay siya ng naturang paalala matapos kuwestiyunin ng ilang senator-judges ang kredibilidad ng defense witness na si Atty. Rainer Dela Fuente dahil hindi nito nabasa ang forensic report na inihanda ni Atty. Alex Cabrera bago ang pagtatanong

Advertisement
Advertisement