Pansamantalang ititigil ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pag-iisyu ng Guarantee Letters (GLs) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program simula Nobyembre 30.

Ayon kay DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, isasagawa ang suspensyon upang mabigyan ng sapat na panahon ang ahensya na tapusin ang taunang liquidation process at maayos ang pagbabayad sa mga natitirang obligasyon nito sa mga service provider.

Gayunman, tiniyak ng DSWD na magpapatuloy ang pagbibigay ng agarang cash assistance sa mga indibidwal at pamilyang nangangailangan sa kabila ng pansamantalang paghinto sa pag-iisyu ng Guarantee Letters.

Advertisement

Patuloy ding tatanggap ng mga kliyente ang mga field office at satellite office ng ahensya sa buong bansa upang matiyak na hindi maaantala ang iba pang serbisyong panlipunan.

Inaasahang magpapatuloy ang pag-iisyu ng Guarantee Letters sa unang opisyal na araw ng trabaho sa Enero 2027.

Advertisement