NAGA CITY- Patay ang isang senior citizen matapos mairehistro ang isang accidental landslide sa Himlayang Paraiso Cemetery Construction Site, sa Brgy. Baguio, Tayabas City.

Kinilala ang biktima na si Cirilo Nanea Jasulin, 60-anyos, residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang humuhukay ng lupa ang biktima nang mag-collapse ang lupa sa taas nito.

Dahil dito, agad sanang umiwas ang biktima ngunit tumama sa matigas na parte ng tuyong lupa ang ulo ng biktima na nag resulta ng malalang head injury sa biktima na agad namang dinala sa ospital.

Ngunit, habang isinasagawa ang operasyon sa biktima ay binawian rin ito ng buhay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa nasabing insidente.