Photo© web

Ipinahayag ng partidong Akbayan ang kahandaan nitong buong suportahan si Senador Risa Hontiveros sakaling tumakbo ito bilang pangulo sa 2028 national elections.

Ayon sa Akbayan, si Hontiveros ay isa sa mga lider na may kakayahang tumulong sa pagbangon at pag-aayos ng bansa sa gitna ng kinahaharap na krisis sa pamamahala, kahirapan, at pagkadismaya ng publiko sa gobyerno.

Sinabi rin ng partido na naniniwala silang kayang magbigay ng alternatibong liderato ni Hontiveros para sa sambayanang Pilipino.

Nauna nang inihayag ng senador na bukas siyang tumakbo sa pagkapangulo kung siya ang pipiliing standard-bearer ng oposisyon para sa halalan sa 2028.

Advertisement

Posible naman umanong makaharap ni Hontiveros sa presidential race si Vice President Sara Duterte na nauna nang nagpahayag ng planong tumakbo sa pagkapangulo sa 2028 elections.

Itinuturing si Duterte bilang isa sa mga pinakamalalakas na posibleng kandidato sa susunod na presidential elections.

Advertisement